Kathang-Isip: Mga Kuwentong Fantastiko By Ateneo de Manila University Press

 Bookmark this page
Email Newsletter
Shop by Category

Shop by Brand

More Options


Kathang-Isip: Mga Kuwentong Fantastiko

By : Ateneo de Manila University Press

Kathang-Isip: Mga Kuwentong Fantastiko By Ateneo de Manila University Press
Item #: 9715506199

Managinip ng mga pagkahulog. Kilalanin ang motorsiklong may sariling isip. Matakot sa totoong aswang at tunghayan ang paglamon ng makina sa isang katawan. Pumasok sa naiibang syudad at panoorin ang peryang kasuklam-suklam. Makonsensiya sa pakikipagsabwatan sa makapangyarihan at tumakas tulad ng isang pusang gala. Sa numero na nakasalalay ang iyong kapalaran? Nakakita ka na ba ng aparisyon? Basahin sa palad ang higanti ng api. Kalabanin ang pamantayan ng sining. Ano ang mukha ng dahas? Paano mabubuko ang pekeng himala? Saksihan ang panulat na naging armas.

Kathang-isip, mga kuwento ito ng fantasya sa realidad ng ating panahon: kung paano tayo pinaniwala ng lipunan at estado na maging kampante sa gitna ng ligalig. Dito papasukin ang politika ng imahinasyon habang nagtatahi ng mga pangyayaring bubuo sa ating pagkatao at pagiging mamamayan. Samahan ninyo kami sa pagsuong sa mundo ng posibilidad at trahedya, ng krimen at kaligtasan, at ng paggigiit sa kinalimutang katarungan.

Price : 269.00
Qty 

» Visit our Literature category




Email Kathang-Isip: Mga Kuwentong Fantastiko To A Friend
Your Name
Your Email
Friend's Name
Friend's Email
Message
Maximum of 500 characters
 



Kathang-Isip: Mga Kuwentong Fantastiko



©2017 Pook Aklatan: Ang Pambansang Online Bookstore ng Pilipinas - Books to Anywhere in The Philippines
Terms of Use