Supremo: Dulang Pampelikula at Sarsuwela Ukol kay Andres Bonifacio By UP Press

 Bookmark this page
Email Newsletter
Shop by Category

Shop by Brand

More Options


Supremo: Dulang Pampelikula at Sarsuwela Ukol kay Andres Bonifacio

By : UP Press

Supremo: Dulang Pampelikula at Sarsuwela Ukol kay Andres Bonifacio By UP Press
Item #: 9715426961

Ang dalawang akda sa aklat ay bunga ng magkahiwalay na panahon ng pagsulat at kapwa nagkamit ng pagkilala sa taon ng paglikha. Nagkagantimpala ang Supremo, dulang pampelikula ni Domingo G. Landicho, sa paligsahang itinaguyod ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas at UP Film Center noong 1976. Nagtamo ang Sa Ngalan ng Bayan, sarsuwela ni Edna May Obien-Landicho, ng Gawad Sentenyal sa Panitikan noong 1998 sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Pilipinas.

Ang malikhaing panulat ng magkabiyak na manunulat ay waring itinadhanang maging bahagi ng isang aklat pangkasaysayan sa dalawang anyong pampanitikan. Ang paglalathala nito ay wari ding tunay na ipinaghintay at itinakda sa isang mahalagang tadhana: ang pagsalubong sa ika-150 taon ng pagsilang ni Gat Andres Bonifacio sa 2013.

Kapwa naniniwala ang magkabiyak na pinakamabisang daluyan ng diwa ng kabayanihan ng lahi ang mga malikhaing akda. Ito ang magkatuwang nilang pagpupunyagi para ipalaganap ang kabayanihan ni Andres Bonifacio, na kanilang kinikilalang tunay na sagisag ng kadakilaan ng uring anakpawis.

Price : 565.50
Qty 

» Visit our Play category
» Visit our Literature category




Email Supremo: Dulang Pampelikula at Sarsuwela Ukol kay Andres Bonifacio To A Friend
Your Name
Your Email
Friend's Name
Friend's Email
Message
Maximum of 500 characters
 



Supremo: Dulang Pampelikula at Sarsuwela Ukol kay Andres Bonifacio



©2017 Pook Aklatan: Ang Pambansang Online Bookstore ng Pilipinas - Books to Anywhere in The Philippines
Terms of Use