Bookmark this page
Email Newsletter
Shop by Category

Shop by Brand

More Options


Home > Shipping Policy

Shipping Policy

Mga mahalagang paglilinaw:

Q: Bakit '' ang presyo ng mga libro?
A: Ang presyo ng LAHAT ng libro ay pesos at ang shipping charges ay pesos din. Hindi pa kasi kasama sa mga available currencies ng 1freecart.com ang ating pera kaya ang pinili na muna namin ay ang  'sign. 
Kaya kung ang nakalagay na presyo ng libro ay  '350.00', ibig sabihin nyan ay P350.00.

Q: Ang shipping charges ba ay pesos din kahit '' ang nakalagay?
A: Oo, pesos din ang shipping charges kahit '' ang nakalagay.

Q: Nasa malayong probinsya ako nakatira. Pwede ba akong mag-order online?
A: Basta nakakaabot ang Philippine postal service sa iyong lugar, maaari kang umorder. 

Q: Nasa abroad ako at gusto kong umorder, pwede rin ba?
A: Hindi. Pasensiya na at hindi kami nagpapadala ng libro sa labas ng bansa. Mga orders lamang na para sa Pilipinas ang aming tinatanggap.

Q: Nasa abroad ako at gusto kong umorder ng libro pero ipapadala ito sa Pilipinas. Posible ba ito?
A: Oo, maaari kang umorder kahit nasa abroad ka basta sa Pilipinas ipapadala ang libro.

Q: Paano ba magbayad para sa order ko?
A: Hindi pa pwedeng gawing online ang pagbabayad dahil nga ang currency na ating gamit ay hindi pesos. 
Sa ngayon ay may apat kaming payment options: 
      • via bank deposit,   
      • via money remittance,
      • via check payment, o
      • via Paypal
Kahit ano sa options ang piliin nyo, narito ang iyong kailangang gawin sa pag-order ng libro:
  1. Tulad sa lahat ng online webstores, i-click ang ADD TO BASKET upang mailagay sa SHOPPING BASKET ang mga aklat na gusto mong i-order.
  2. Matapos ilagay sa shopping basket ang mga librong bibilhin, i-click ang CHECK-OUT NOW button at ilagay ang mga hinihinging information. 
  3. Piliin ang angkop na SHIPPING METHOD ayon sa lugar na padadalhan ng iyong order. Upang maiwasan ang delays, tiyakin na tama ang napiling shipping method bago i-click ang SUBMIT YOUR ORDER button.
  4. Sunod na lalabas sa iyong screen ang ORDER RECEIPT. Kung may corrections, huwag mag-alala dahil puwede mong i-email sa amin ang tamang info. 
  5. Kung ayaw mong mag-print ng receipt, click the CANCEL button at the upper left hand of the screen. 
  6. Ang step na ito ang mahalagang bahagi sa iyong pag-order. Lalabas nang full-screen ang iyong ORDER RECEIPT. i-RIGHT CLICK ang mouse at piliin ang "SAVE AS..." option. Tandaan mo kung saang lugar (directory) isa-save ng iyong computer ang file copy ng iyong ORDER RECEIPT.
  7. Pumunta sa iyong email program at i-send as attachment ang iyong ORDER RECEIPT sa "pook.aklatan@gmail.com". 
  8. Kung may corrections, isabay mo na ito sa email.
  9. Hintayin ang aming kasagutan na naglalaman ng detalye kung paano magpadala ng kabayaran sa iyong order.
Q: Puwede ba akong mag-request ng libro na hindi nakalista sa Pook-Aklatan?
A: Oo, eMail mo lang sa amin ang title at publisher (kung alam mo) at hahanapin namin ito para sa iyo. 

Q: May mga katanungan ako bago ako mag-order.
A: eMail mo lang sa "pook.aklatan@gmail.com" ang lahat ng gusto mong linawin at sasagot kami.

Q: Door to door ba ang inyong delivery method?
A: Oo, hangga't maaari ay sa express door-to-door namin ipapadala ang inyong order. Pero sa mga lugar na hindi maaabot ng mga door-to-door carriers, ang Philippine postal service ang gagamitin natin.

Home > Shipping Policy






©2017 Pook Aklatan: Ang Pambansang Online Bookstore ng Pilipinas - Books to Anywhere in The Philippines
Terms of Use