Bookmark this page
Email Newsletter
Shop by Category

Shop by Brand

More Options


Home > About Us

About Us

Kumusta, kabayan!

Matagal na kaming may online webstore (actually, mahigit 10 taon na ito!) pero ang aming target market ay iyong mga nakatira sa labas ng Pilipinas. US dollars ang presyo ng aming items at via credit card ang pagbabayad. 

Mayroon kaming book section doon at parami nang parami sa mga nasa Pilipinas ang nagtatanong tungkol sa mga libro. Isa sa mga unang gusto nilang malaman ay kung maaari bang sa pesos sila magbayad kasi tagarito naman sila sa atin. Saka kung pwede bang mas mura ang shipping charge kasi local delivery naman.

Yung nga lang, ang aming unang webstore ay designed for overseas orders kaya lagi naming natatanggihan ang mga nagtatanong na ito.

Hanggang sa maisip namin na bakit nga ba hindi kami gumawa ng webstore na para naman sa mga nasa Pilipinas; iyong pesos ang presyo at mas mura ang shipping charge (door-to-door pa!) 

At kahit wala kang credit card ay pwede ring umorder dahil pwede naman ang magbayad via bank deposit or money remittance.

Kaya eto na ang POOK-AKLATAN, ang una sa mga aming balak na gawing webstores na exclusive para sa mga taga Pilipinas lang!

Nakakatiyak kami na malaki ang maitututulong namin sa inyo na makita ang librong matagal nyo nang hinahanap.

Tuloy na sa ating webstore!

PS
Nabasa mo na ba ang Shipping Policy page? Ginawa naming FAQ page iyon na format Question and Answer. Malamang ay naroon ang sagot sa mga katanungan mo.





Home > About Us






©2017 Pook Aklatan: Ang Pambansang Online Bookstore ng Pilipinas - Books to Anywhere in The Philippines
Terms of Use